Musmos pa lamang na walang alam...

Batay sa literal na depinisyon ng salitang 'musmos,' ito ay tumutukoy sa pagiging inosente, pagiging bata at wala pang nalalaman sa mga bagay kung ito ay tama o mali. Kulang pa ang ating kaalaman sa mga bagay na maaring makadiskubre at makapagpaunlad ng ating pagkatao o di kaya naman ay lalong magdala sa atin sa kapahamakan.
Kung ang pagbabatayan naman ay ang awiting ng 'Batang-bata ka pa ng Apo Hiking Society masasabi mo talagang bata ka pa o musmos pa lamang. Sabi nga ng awitin:
"Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian..."
Maaring matured ka na nga sa pisikal mong pangangatawan pero pisikal nga lang ba ang batayan para masabi mong hindi ka na musmos? Kung sa tingin mo ay matured kana, mabuti!

Natatandaan ko pa yung kumukuha ako ng dalawang piso para lang bumili ng isang lolipop at isang 'mik-mik' sa pantalon ng aking papa. Habang kumakain ng 'mik-mik' sa ilalim ng lamesa pinagpapawisan na baka makita ng nakababatang kapatid na hihingi sa akin dahil alam kong paborito din niya ito.
Ayos lang masugatan kapag sumemplang ka sa bike mo na may 'balancer' o di kaya naman ay madapa habang tumatakbo ka ng mabilis at mahulog sa lamesa habang naglalaro kayo ng 'langit-lupa.' Yung mapagsasabihan ka nalang ng mama mo dahil may sugat ka na naman sa tuhod o kaya sa siko.
Aktibo ako sa paglalaro ng mga recreational games gaya ng tumbang preso, patintero, sun-moon-light, langit-lupa, plisiner, piko at marami pang iba. Tanda ko pa din noong kumukuha kami ng dahon ng mangga para ihawin ito gamit lang ang pinilas na papel mula sa lumang kuwaderno.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, mararandaman mo nalang na peke lang ang kasiyahan dito sa mundo. May pagkakataon na sobrang saya natin pero bigla tayong malulungkot na hindi natin alam kung bakit. Mapapaisip ka talaga kung paano ka ulit sasaya.
Lagi kang masaya at may positibong pananaw sa buhay ngunit sa sandaling matapos ang nararandaman mo, ang lungkot na uubos sa sigla mo naman ang dadating. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang sanaysay na ginawa ko. Naalala ko lang naman ang kamusmusan ko.
"Napakasarap maging bata," Iyan ang katagang naiisip ko sa tuwing naalala ko ang mga masasayang araw ng buhay ko noong ako ay musmos pa lamang. Yung tipong wala masyadong iniisip na problema kundi pagsusulat ng pangalan.

Natatandaan ko pa yung kumukuha ako ng dalawang piso para lang bumili ng isang lolipop at isang 'mik-mik' sa pantalon ng aking papa. Habang kumakain ng 'mik-mik' sa ilalim ng lamesa pinagpapawisan na baka makita ng nakababatang kapatid na hihingi sa akin dahil alam kong paborito din niya ito.
Tanda ko pa noong pinapatulog ako ng aking ina sa tanghali, ayaw na ayaw kong tumulog dahil gusto kong maglaro ng jolen at text. Yung tipong kapag hindi mo sila nakasama ng isang hapo ay parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dahil hindi ka updated sa bagong adventure ng mga kalaro mo.
Pero wala akong magawa kundi matulog dahil papaluin daw ako sa pwet pag hindi ako natulog. Punong-puno ako ng panghihinayang at pagtatampo dahil sinabi ng mama ko sa mga kalaro ko, "Tulog si utoy." Pero dahil pasaway akong bata kunwari lang akong tutulog pagkatapos kapag kitang kong tulog na ang mama, tatakas para makapaglaro na.

Naaalala ko din yung mga panahong wala tayong responsibilidad kundi pagbutihin ang pag-aaral mo para sa ating mga magulang. Pasasayahin mo sila sa pamamagitan ng pabibo mong pagsagot sa mga tanong nila. Yung panahong sobrang dali kamtin ng kasiyahan.

Ang isa pang kalokohan na nagawa ko ay ang pagbato sa manok na may kasamang mga sisiw, hahabulin ang napahiwalay na sisiw hanggang sa mapagod ito. Kapag nahuli ko na, ipapasok ko sa bao habang sisiyap-siyap tsaka hahampasin ng kahoy ang bao hanggang sa mapatay ko ito at tuwang-tuwa pa ako.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, mararandaman mo nalang na peke lang ang kasiyahan dito sa mundo. May pagkakataon na sobrang saya natin pero bigla tayong malulungkot na hindi natin alam kung bakit. Mapapaisip ka talaga kung paano ka ulit sasaya.

Masasabi kong hindi na ako tulad ng musmos na bata dahil labing limang taong gulang na ako. Alam ko na ang tama at mali, ang mabuti at masama at mga bagay na makapagpapasaya sa akin. Ang layunin ko nalang ay pagbutihin ang pag-aaral ko para sa maging matagumpay na tao sa hinaharap.
www.google.com
www.google.com